Get Adobe Flash player

  

 

 

 

 

 

June 2018
S M T W T F S
27 28 29 30 31 1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
8702526
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3350
16002
19352
8566149
293918
452517
8702526

Your IP: 54.224.85.115
Server Time: 2018-06-18 06:35:09

 

3 tulak ng droga arestado sa buy-bust operation sa Isabela

    CAMP MARCELO A. ADDURU, TUGUEGARAO CITY- Dalawa pang drug pusher ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa mga bayan ng Alicia at San Mariano sa lalawigan ng Isabela kamakailan.

   Unang naaresto  ang traysikel drayber na si Jimson Allapitan, 40 anyos, residente ng Brgy Maggasi, Cabagan Isabela matapos makorner sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng PDEA 2, Provincial Intelligence Branch, Isabela PPO at Cabagan Police Station noong ika-23 ng Pebrero 2018. Sumunod na nadakip ang suspek na sina Leonardo Lauron Jr, 36 anyos at Dante Carungao,  parehong welder at kapwa  residente ng  Brgy Saranay, Cabuatuan, Isabela. Ang dalawa ay nahuling nagbebenta ng iligal na droga sa Brgy MH Del Pilar, Alicia, Isabela noong ika-24 ng Pebrero taong kasalukuyan. Nakumpiska mula sa kanilang kamay ang isang libong piso na ginamit sa transaksyon at isang pakete na naglalaman ng shabu.  Dakong alas 4:00 naman noong ika-25 ng Pebrero 2018 ng nasabing taon ng mahulog din sa bitag ng PNP San Mariano ang tulak na si Lester Toralba, 28 anyos, residente ng nasabing bayan kung saan nakumpiskahan din ito ng isang pakete ng shabu at  perang ginamit sa transaksyon.

   Ang mga nabanggit na suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.

   Muling ipinaalala ni PRO2 Regional Director PCSUPT JOSE MARIO ESPINO ang kanyang kautusan sa mga kapulisan sa Rehiyon Dos na doblehin pa ang pagtatrabaho para tuluyan nang tapusin ang problema sa droga.

    Matatandaan na sa kanyang naging mensahe noong isinagawa ang Lakad Tokhang  noong Sabado, ika-24 ng Pebrero taong kasalukuyan, binigyan diin nito ang masamang epekto ng iligal na droga sa katawan at buhay ng isang tao. “Kailangang mapigilan ang paglaganap nito upang maisalba pa natin ang maraming buhay na posibleng mawasak dahil sa droga lalo na ang mga kabataan at gawin natin ito para narin sa kapakanan ng susunod pa nating henerasyon,” ani RD ESPINO.

 

 

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider