Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599767
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3265
14095
55520
9459000
200585
452291
9599767

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:29:02

 

PRO2 at 17TH IB, PA, higit pang pinalakas ang opensiba laban sa mga NPA

      CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY – Patuloy ang ginagawang opensiba ng mga pulis at military laban sa mga rebeldeng NPA sa bayan ng Rizal, Cagayan at iba pang NPA infested area sa Cagayan Valley. Ito ay matapos ang enkwentro sa pagitan ng 17th IB ng Philippine Army at grupo ng mga rebelde sa Sitio Calanitan, Brgy Masi, Rizal, Cagayan nito lamang ika-10 ng Pebrero taong kasalukuyan.

    Ang sagupaan ay nagtagal ng tatlumpung minuto ngunit wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa nasabing bakbakan. Napag alaman na tumakas ang mga rebelde patungo ng timog hilagang direksyon.

  Dahil sa pangyayaring ito, maliban sa pagpapalakas sa checkpoint operation at patrolling, nagsasagawa ngayon ng dialogo sa mga barangay upang hikayatin ang mga mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno upang tuluyang mapuksa ang probema ng insurhensiya sa naturang lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat at tamang impormasyon hinggil sa kinaroroonan at aktibidad ng mga rebelde.

  Nananawagan din ang pamunuan ng PRO2 sa mga mamamayan na tuligsain at huwag suportahan ang mga masasamang gawain ng mga NPA at huwag hayaang sirain ng mga ito ang hangaring ng pamahalaan na magkaraoon ng tahimik, payapa at malayang pamumuhay.

   Matatandaan na nagdeklara kamakailan ang pangulong Rodrigo Duterte ng all-out war laban sa mga rebeldeng NPA matapos ang sunud-sunod na patraydor na pag atake ng mga ito na ikinasugat at ikinasawi ng mga pulis at sundalo.

   Hangarin ng pangulo na tapusin na ang problema sa insurhensiya kung kaya’t nagdeklara ng all out war laban sa mga rebelde. Sa katunayan, inatasan na nito ang tropa ng militar maging ng kapulisan na suyurin ang mga lugar na pinaniniwalaang pugad ng NPA.

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider