Get Adobe Flash player

  

 

 

 

 

February 2018
S M T W T F S
28 29 30 31 1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 1 2 3
7144554
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
768
12694
13462
7056832
274506
348410
7144554

Your IP: 54.227.48.147
Server Time: 2018-02-26 01:58:52

 

Maayos na serbisyo at magandang ugnayan ng pulisya sa mamamayan pinuri ni Dir Licas

 

   CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY – Isa na namang makabuluhang “Traditional Monday Flag Raising and Awarding Ceremony” ang naganap ngayong araw ika 12 ng Pebrero 2018 sa PRO2 Grandstand.

Nagsilbing panauhing pandangal si Gng Purita S. Licas, Regional Director ng Philippine Information Agency 2 (PIA2). Sa kanyang mensahe, naghayag ito ng kanyang pasasalamat sa PNP dahil sa maayos at magandang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan. Pinuri din nito ang patuloy na pagpapahusay hindi lamang sa pasilidad kundi sa magandang ugnayan ng kapulisan sa mga mamamayan.

Sa kabilang banda, pinahapyawan din ni Dir Licas ang isyu sa paglaganap ng mga huwad na balita o “Fake News” na madalas mailathala sa internet. “Hindi dapat mangyari ito sa ating lipunan dahil nakakasira ito sa katauhan ng isang indibidwal at lubhang nakakaapekto sa kredibilidad ng tradisyunal na pagbabalita sa pahayagan man o sa “social media,” dagdag ni Dir Licas.

Bahagi ng seremonya ang pagbibigay ng papuri para sa mga pulis bilang pagkilala sa kanilang malaking kontribusyon sa tagumpay na nakamit ng PRO2.  Kabilang sa mga tumanggap ng Medalya ng Papuri ay sina PSINSP JHONDRY MAR A CASAUAY, Deputy Chief of Police, Camalaniuagan PS at PO1 Jay S Agueran ng Tuguegarao PS.

Pinasalamatan ng pamunuan ng PRO2 si Dir Licas sa mga mahahalagang impormasyong ibinahagi nito at ang pagpapaunlak sa imbitasyong maging panauhing pandangal sa tradisyunal na Monday Flag Raising ng PRO2.  

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider