Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599732
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3230
14095
55485
9459000
200550
452291
9599732

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:27:48

 

Larawan ng mga rebeldeng NPA ilalantad sa publiko

    Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Inilabas ngayon ng PRO2 ang mga larawan ng mga aktibong miyembro ng mga lokal na teroristang NPA na patuloy na naghahasik ng karahasan sa kumyunidad partikular sa Lambak Cagayan.

    Sa inilabas na infographic material ng PNP-PRO2 sa social media, makikita  dito ang mga larawan ng mga aktibong miyembro ng New People’s Army para sa kaalaman ng publiko.

    Sinabi ni PRO2 Regional Director PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO na kailangang maipabatid sa publiko ang mahahalagang impormasyon hinggil sa mga rebelde upang malaman din nila kung sinu-sino ang mga miyembro ng grupo na gumagala sa kani kanilang mga lugar. Aniya, isa rin itong hakbang upang maprotektahan ang mga mamamayan sa anumang planong karahasang maaaring gawin ng mga rebelde.

  Kaugnay nito, nanawagan din ang nasabing opisyal sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat at tamang impormasyon upang tuluyang tuldukan ang problema sa insurgensiya.

   Naniniwala si RD ESPINO na humihina na ang pwersa ng mga rebelde dahil na rin sa patuloy na suporta ng mga mamamayan sa tropa ng pamahalaan. Dagdag pa nito na ang tuluy-tuloy at kabi-kabilaang opensiba ng mga militar at pulisya sa tulong ng mga mamayan ay nagpahina ng tuluyan sa pwersa ng NPA. Binigyang diin nito na unti unti nang nakakamit ng pamahalaan ang tagumpay laban sa mga terrorista.

  Samantala, ang mga nahuling rebeldeng sina Rey Busania, Raul Merano at Arnold Jamias na responsable sa patraydor na pag atake sa Maddela Police Station na ikinasawi ni PO2 Jerome Luwi Cardenas noong buwan ng Abril taong 2017 ay tuluyan ng sinampahan ng patung-patong na kasong Criminal na kinabibilangan ng 2 Counts of Robbery with Attempted Homicide, Serious Illegal Detention, Attempted Murder, at 9 counts of Direct Assault. Patunay ito na gumugulong na ang hustisya para sa kanilang mga naging biktima.

    Paalala sa publiko: Kung mayroon kayong mga impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga nailathalang larawan ng mga rebeldeng NPA sa PRO2 official website (www.policeregionaloffice2.org) at sa RPCRD FB account  (Arefive Protwo) ay maaaring makipag ugnayan sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o tumawag sa PRO2 hotline:(Land line) 3042897/ (Globe) 09175644974./ (Smart) 09999954202.

   Tungkulin ng bawat mamamayan na makialam para sa inaasam na kaayusan at katahimikan ng ating bayan!!!

 

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider