Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599725
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3223
14095
55478
9459000
200543
452291
9599725

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:27:32

 

79-M halaga ng iligal na droga narekober sa Coastal town ng Isabela

    Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Umaabot sa 79, 136, 820.00 piso ang halaga ng cocaine na narekober noong araw ng lunes, ika-5 ng Pebrero taong kasalukuyan sa baybaying dagat  ng Brgy Dipudo, Divilacan, Isabela.

    Ito ang lumabas sa pagtaya ng Philippine Drug Enforcement Agency 2 matapos magpositibo sa  screening ng Chemist ng Regional Crime Laboratory Office 2 (RCLO2) ang 18,842.1 gramo ng cocaine kahapon.

  Sa joint press conference kagabi, ika-6 ng Pebrero taong kasalukuyan na ginanap sa RLCO2, sinabi ni PRO2 Regional Director PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO na ang naturang droga ay posibleng kasama ng mga narekober na 120-Milyong Pisong halaga ng Cocaine sa Brgy Calintaan, Matnog, Sorsogon noong ika-5 ng Enero taong kasalukyan dahil sa magkakaparehong deskripsyon at markings nito (double R).

   Naniniwala ang Punong Direktor na ang naturang kontrabando ay naanod at napadpad lamang sa lalawigan ng Isabela at hindi sadyang ipapasok sa bansa. “Ito ang kauna unahang pagkakataon na may narekober na iligal na drogang cocaine sa Isabela. Malaki ang paniniwala ko na ang nasabing kontrabando ay hindi  para sa ating bansa dahil wala namang pagawaan at chemical para sa paggawa ng cocaine dito kung kaya’t maaaring naanod lamang ito at di na nabawi pa ng mga sindikatong nagtangkang ipuslit ito sa pamamagitan ng ating karagatan,” ani RD ESPINO.

Kaugnay nito ay inatasan na ni PSSUPT JOHN CORNELIUS A JAMBORA, Officer-in-Charge ng Isabela Police Provincial Office ang lahat ng hepe  sa mga coastal towns na paigtingin pa ang monitoring at pagbabantay sa mga dalampasigan.

 Matatandaan na dakong alas 2:30 ng hapon, ika-5 ng Pebrero 2018 nang madiskubre ng dalawang mangingisda ang isang container na kulay asul na palutang-lutang sa dalampasigan ng Brgy Dipudo, Divilacan, Isabela. Dahil kahina hinala ang naturang container ay minabuti nila itong ireport sa PNP Divilacan.

 

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider