Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599753
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3251
14095
55506
9459000
200571
452291
9599753

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:28:34

 

Plastic container na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga narekober sa Isabela

 

    Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Nakatakdang isailalim sa pagsusuri ngayong araw  ang narekober ng mga awtoridad sa baybaying dagat  ng Brgy Dipudo, Divilacan, Isabela noong araw ng lunes, ika-5 ng Pebrero taong kasalukuyan.

     Ayon kay PSINSP JONATHAN RAMOS, Hepe ng PNP Divilacan, kung magiging maganda ang panahon ay maaaring ibiyahe ngayong araw ang narekober na hinihinalang kontrabando upang kaagad na masuri kung ang laman nito ay iligal na droga. “Bagamat sa deskripsyon sa histura ng kargamento ay kahalintulad nito ang shabu pero upang makatiyak tayo ay kinakailangan natin itong ipasuri sa Chemist ng PNP Crime Laboratory Office, ani COP RAMOS.

    Kaugnay nito ay ipinag utos naman ni PRO2 Regional Director PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa narekober na hinihinalang kontrabando. Inatasan din nito ang mga kapulisan na nasa mga coastal towns na posibleng gamitin ng mga sindikato sa pagtatransport ng iligal na droga patungo sa kabihasnan na paigtingin pa ang pagbabantay. “Gawin nating prayoridad ang pagsugpo sa iligal na droga dahil maraming buhay ang masisira nito. Umaapela ako sa mga mamamayan na tulungan kami upang mapagtagumpayan natin ang ating adhikaing linisin ang ating komyunidad sa iligal na droga,”

   Samantala, patuloy parin ang pag arangkada ng PRO2 kaagapay ang PDEA sa kampanya kontra droga. Sa katunayan nito lamang ikatlo at ikaapat ng Pebrero taong kasalukuyan, apat katao ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Isabela. Ang mga suspek na naaresto  noong ikatlo ng Pebrero ay sina  Blakener Manuel, 24 taong gulang, resident of Barangay 2, Jones, Isabela at Reymundo Macarilay, 39 taong gulang at residente ng Brgy. Tuguegarao, Echague habang ang mga suspek na naaresto naman nito lamang ika apat ng Pebrero ay sina Rolly Cendaña, 39 anyos residente ng Brgy Siempre Viva sur, Mallig, Isabela at Julius Bulusan, 21 anyos, residente ng Brgy Olongapo, Mallig, Isabela.

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider