Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599746
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3244
14095
55499
9459000
200564
452291
9599746

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:28:18

 

PRO2 nakiisa sa pagdiriwang sa ika-27 PNP Founding Anniversary

  Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City – Kasabay ng pagdaraos sa Traditional Monday Flag Raising Ceremony ngayong February 5, 2018, ipinagdiwang ng PRO2 ng simple ngunit makahulugan ang  ika-27 anibersaryo ng Philipine National Police.

  Nagsilbing Guest of Honor and Spearker si Dir. Jonathan Paul M. Leusen, Jr, Regional Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) 02. Sa kanyang mensahe, inihayag nito ang kanyang pagpupugay sa buong puwersa ng kapulisan sa Rehiyon Dos dahil sa kanilang ipinapakitang katapangan sa pagganap ng kanilang mandato at tumatayo bilang proteksyon sa mga inosente, mahihina, mamamayan ng rehiyon at sa komyunidad. “Ang katapangan ay hindi nakikita sa kawalan ng takot, bagkus nakikita ito sa kung papaano harapin ang takot,” dagdag din ni RD Leusen.

  Bukod pa sa paggunita ng PNP Founding Anniversary, nag alay ng bulaklak ang PRO2 sa Bantayog ni Gov. Marcelo A. Adduru bilang pagkilala at pag alala sa katapangan at kabayanihan ni PO2 Jerome Luwie C Cardenas. Ang wreath laying ay pinangunahan ng  maybahay nito na si Mrs. Darleen C. Cardenas na sinundan ng pagbibigay ng “Gun Salute”. Si PO2 Cardenas ay nagpamalas ng dedikasyon sa trabaho at katapangan matapos nitong ibuwis ang kanyang buhay nang makasagupa ang mga rebeldeng NPA noong ika- 29 ng Abril taong 2017.

  Sa panayam kay Mrs. Cardenas, bagamat masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ni PO2 Cardenas, ikinagagalak niyang ipabatid sa buong kapulisan ng PRO2 ang pagkilala sa kabayanihan ng kanyang asawa.

  Kaugnay nito ay nag-handog din ng isang misa ang pamunuan ng PRO2 sa pangunguna ni Rev. Fr. Vincent P. Siccuan para sa paggunita ng ika 27th PNP Founding Anniversary at pag-alay ng dasal para sa mga kapulisang nagbuwis ng kanilang buhay para sa ikakatahimik ng bansa.

 

 

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider