Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599770
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3268
14095
55523
9459000
200588
452291
9599770

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:29:04

 

Pagbaba ng crime volume sa Cagayan pinuri ni RD ESPINO

     CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY- Sa kauna-unahang pagbisita sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO)  ni PRO2 Regional Director, PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO ay pinuri nito ang pagbaba ng bilang ng krimen na naitala sa lalawigan ng Cagayan mula Enero 1-30, 2018 kumpara noong nakalipas na taon sa parehong buwan.

     Base sa rekord ng Provincial Operations and Plans Branch ng CPPO aabot sa 43% ang ibinaba ng crime volume sa nasabing lalawigan dahil mula sa dating 264 ay bumagsak ito ng 148 na lamang, mas mababa ng 116. Ito ay dahil narin sa pinaigting na police visibility at anti-criminality campaign ng PNP Cagayan.

     Magpagayunpaman, inatasan parin ni RD ESPINO si Cagayan PNP Provincial Director PSSUPT WARREN GASPAR A TOLITO na ipatupad ang dagdag na apat na oras na duty sa mga istasyon para paigtingin ang police visibility sa pamamagitan ng pagpapatrulya sa mga lugar na maituturing na crime prone areas.

     “Hangad natin na maibaba pa ang crime volume hindi lamang sa Cagayan kundi maging sa buong Rehiyon Dos kung kaya’t ipinapatupad natin ang dose oras na dyutihan ng mga pulis sa istasyon. Ang pagpapaigting natin sa police visibility ay malaki ang maitutulong para mabawasan ang paglaganap ng anumang krimen sa ating nasasakupang mga lugar. Sa pamamagitan nito ay mapapanatag ang ating mga mamamayan sa anumang banta ng mga masasamang loob,” dagdag pa ng Punong Direktor.

     Tinalakay din sa kanyang pagbisita sa CPPO ang “proactive/ preventative approach” ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan sa komyunidad. Kaugnay nito ay muling hinikayat ni RD ESPINO ang lahat ng  mga pulis sa Rehiyon Dos  na doblehin pa ang pagtatrabaho para resolbahin ang problema sa droga at iba pang uri ng krimen sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa kanyang ABDCDE principle (A-lways B-usy Catching criminal D-rug pusher/user  and drug lord with E-mpathy).

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider