Get Adobe Flash player

  

 

 

 

 

 

May 2018
S M T W T F S
29 30 1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31 1 2
8294047
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
5533
12145
55854
8144562
337956
385664
8294047

Your IP: 54.159.85.193
Server Time: 2018-05-24 12:28:49

 

3 katao timbog sa buy-bust; 1 sumuko sa pagbabalik ng Tokhang

 

        CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY- Sa pagpapatuloy ng kampanya kontra droga, tatlong drug suspek ang naaresto sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa Lambak Cagayan habang isa naman ang sumuko sa pagbabalik ng Oplan Tokhang kahapon.

        Ang mga naarestong suspek ay sina Jordan Calinggal, 19 anyos, isang waiter at residente ng  Brgy Macaycayu, San Mariano, Isabela; Christopher Quijalvo, 32 anyos, isang magsasaka at residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela; at  Jayson Gammad, 26 anyos, isang traysikel drayber at residente ng Dela Cruz Street, Brgy Don Tomas Madella, Bayombong, Nueva Vizcaya.

      Ang mga suspek ay pare-parehong naaresto noong ika-28 ng Enero taong kasalukuyan sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa bayan ng Tumauini at San Mateo, Isabela at Bayombong, Nueva Vizcaya. Si Calinggal ay nakumpiskahan ng isang pakete ng tuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy San Pedro, Tumauini, Isabela habang si Gammad na naaresto sa  Brgy Don Tomas Madella, Bayombong, Nueva Vizcaya ay nakumpiskahan din ng tuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa tatlong tiniklop na piraso ng papel ng pahayagan. Ang suspek naman na si Quijalvo ay naaresto sa Brgy Sinamar Norte, San Mateo, Isabela. Siya ay nahulihan ng tatlong pakete na naglalaman ng shabu, drug paraphernalia, isang motor at ang perang ginamit sa transaksyon. Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek.

     Samantala, sa unang araw ng implementasyon ng Oplan Tokhang, isang “newly identified drug user” ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya. Kinilala ito na si Shylimar Toledo, 37 anyos, Science Research Assistant, residente ng Bintawan Sur, Villaverde, Nueva Vizcaya. Ang suspek ay ipinasakamay na sa LGU pagkatapos pumirma ng kanyang affidavit of undertaking.

     Kaugnay nito, muling nanawagan si PRO2 Regional Director, PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO sa mga mamamayan na makipagtulungan sa pulisya upang mas mapadali ang paglilinis sa rehiyon sa problema hinggil sa droga. “Malaki ang role ng mga mamamayan sa hangarin ng pamahalaan na sugpuin ang iligal na droga sa komyunidad kung kaya’t nakikiusap kami na makipagtulungan sa amin para mapagtagumpayan natin ito,” dagdag pa ng Punong Direktor. 

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider