Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599775
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3273
14095
55528
9459000
200593
452291
9599775

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:29:14

 

Valley Cops “Tokhangers” sinimulan ng kumatok ngayong araw

     CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY- Inumpishan na ngayong araw, ika- 29 ng Enero 2018 ang implementasyon ng  pagbabalik ng Oplan Tokhang sa rehiyon Dos.

Sinabi ni PRO2 Regional Director PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO na nakahanda na ang pwersa ng kapulisan na tututok sa naturang kampanya.

      Sa katunayan, noong araw ng sabado, ika-27 ng Enero ng nasabing taon ay pinulong ni PSSUPT JEREMIAS E AGLUGUB, Chief, Regional Operations and Plans Division ang mga Deputy Provincial Director for Operations, hepe ng Provincial Intelligence Branch, Provincial Operations Branch at Police Community Relations Branch mula sa iba’t ibang Police Provincial Office at City Police Office na dinaluhan din ng ilang miyembro ng media. Ang pagpupulong sa superbisyon ni PSSUPT JOHN CORNELIUS A JAMBORA, Deputy Regional Director for Operations at Chairman ng Regional Oversight Committee ay alinsunod na rin sa kautusan ng Punong Direktor matapos magbaba ng direktiba ang National Headquarters hinggil sa naturang kampanya. Pinag usapan sa pagpupulong ang mga bagong panuntunan sa implementasyon ng tokhang.

    Tiniyak ni RD ESPINO na sa ilalim ng bagong PNP Supplemental Operational Guidelines sa pagpapatupad ng tokhang ay magiging matagumpay ito ng walang nalalabag na karapatang pantao sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency 2, Local Government Units at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

     Nakapaloob sa bagong panuntunan ang proseso ng pagpapatupad ng tokhang ang transparency sa operasyon kung saan pinapayagan ang media na i-cover ang mga kaganapan.

    “Nais kong ipabatid sa publiko na magiging transparent tayo sa implementasyon ng tokhang kung saan inaanyayahan natin ang mga kapatid natin sa media na saksihan  ang operasyon upang matiyak na walang malalabag na anumang karapatang pantao at upang maiwasan na magkaroon ng mga negatibong agam-agam mula sa publiko. Ito ay isasagawa lamang mula lunes hanggang biyernes ganap na alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng gabi,” ani RD ESPINO.

    Base sa Directorate for Intelligence watchlist ng PNP, ang Lambak Cagayan ay may kabuuang 636 na drug personalities na isasailalim sa Tokhang. Pinakamalaking bilang ang Isabela na may 288, sumunod ang Cagayan na may 176, Santiago City na may 85 habang 71 sa Nueva Vizcaya at 16 naman sa Quirino. Tanging ang Batanes ang may malinis na record pagdating sa iligal na droga.

    Ang tokhang ay pratikal at makatotohanang pamamaraan ng PNP para sa mabilisang pagtugon sa problema hinggil sa droga sa mga apektadong barangay saan man sulok ng bansa kung saan matiyagang bibisitahin ng mga awtoridad ang mga drug personalities na sumuko at kumbinsihin ang mga ito na talikuran ang nasabing maling gawain.

 

 

 

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider