Get Adobe Flash player

  

 

 

 

 

February 2018
S M T W T F S
28 29 30 31 1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 1 2 3
7144472
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
686
12694
13380
7056832
274424
348410
7144472

Your IP: 54.227.48.147
Server Time: 2018-02-26 01:50:45

 

3 drug personality timbog sa buy-bust operation sa Lambak Cagayan

    CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY- Tatlong drug personality ang inaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Cagayan at Santiago City.

   Ang mga suspek ay nakilalang sina Danzel Dela Cruz, 24 anyos, residente ng Paradize, Gonzaga, Cagayan; Macgyver Melad, 30 anyos, residente ng Cattagaman, Pardo, Tuguegarao City; at Evelyn Firmanes, 48 anyos,  residente ng Quirino, San Dionisio, Parañaque City. Si Dela Cruz ay dinakip ng PNP Gonzaga nito lamang ika-24 ng Enero taong kasalukuyan dakong alas 10:30 ng umaga sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy Isca, Gonzaga, Cagayan. Nakumpiskahan ito ng isang pakete ng shabu, at perang  ginamit bilang marked money sa nasabing transaksyon.

    Samantala, sa ganap na alas 8:00 ng gabi sa pareho ding petsa  naaresto naman si Melad. Nakorner ito sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Brgy Bayo, Iguig, Cagayan. Nakuha sa kanyang kamay ang isang pakete ng shabu, isang libong piso at isang cellphone. Habang ang suspek na si Firmanes ay dinakip ng PNP Santiago sa drug buy-bust operation sa Four Lanes, Brgy Malvar, Santiago City. Nakumpiskahan din ito ng isang pakete ng shabu at perang ginamit bilang marked money.

    Ang tatlo ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.

    Kasabay ng papuri sa mga pulis na nasa likod ng matagumpay na operasyon ito, hinamon ni PRO2 Regional Director, PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO ang lahat ng PNP Unit Commanders na doblehin pa ang kanilang pagtatrabaho upang tuluyang linisin ang Rehiyon Dos sa probema hinggil sa droga.

    “Para makarami tayo sa pag aresto ng mga taong sangkot sa iligal na droga, iadopt natin ang ABCDE principle (A-lways  B-usy  catching C-riminal D-rug pusher/user  and drug lord with E-mpathy),” diin ni RD ESPINO.

 

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider