Get Adobe Flash player

  

 

 

August 2018
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
9599757
Today
Yesterday
This Week
Last Week
This Month
Last Month
All days
3255
14095
55510
9459000
200575
452291
9599757

Your IP: 54.225.55.174
Server Time: 2018-08-16 10:28:40

 

RD ESPINO: pagsugpo sa iligal na droga at iba pang uri ng krimen, tutukan ng aking liderato

 

      CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY- Pagsawata sa iligal na droga parin ang pangunahing tutukan ng bagong talagang Regional Director ng PRO2 na si PCSUPT JOSE MARIO M ESPINO.

         Sa kanyang assumption speech kaninang umaga, ika-25 ng Enero 2018, binigyang diin nito ang pagpapatupad sa “ABCDE leadership principle” para puksain ang problema sa iligal na droga at anumang uri ng krimen sa Lambak Cagayan.

      Ayon kay RD ESPINO ang ABCDE principle na may ibig sabihin na A-lways  B-usy  C-atching Criminal D-rug pusher/user with E-mpathy ay naging epektibo noong siya pa ang Regional Director ng PRO7 kung kaya’t nais din niyang maipatupad ito dito sa Rehiyon Dos. Aniya, bagamat magiging “less bloody” na ang operasyon kontra droga, tiniyak nito na magiging puspusan ang intelligence-driven operation ng pulisya upang tuluyang tuldukan ang problema sa iligal na droga sa tulong ng pinalakas na Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

     “Bilang bago ninyong pinuno, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makapag ambag sa kaayusan at kaunlaran ng ating bayan lalo na dito sa rehiyon Dos,” dagdag ni RD ESPINO.

     Inihayag din nito na paiigtingan niya ang police visibility sa mga crime prone areas lalo na sa mga syudad. Aniya, ipakakalat nito ang lahat ng mga bagitong pulis para magpatrulya upang maiwasan ang paglaganap ng krimen. Nagbanta ito na gagawin niyang bahagi ng reketitos sa promotion ang affidavit of arrest ng isang PO1. “Kailangang makahuli ng drug pusher/user o criminal ang isang bagitong pulis bago siya mapromote sa mas mataas na ranggo. Sa pamamagitan nito ay obligadong magpursige ang mga pulis na makahuli ng mga criminal bigatin man o pipitsugin,” ani RD ESPINO.

      Samanta, pinangunahan ni RD ESPINO ang “wreath laying” sa Monumento ni Governor Marcelo A Adduru bilang pag alala sa kagitingan at kabayanihan ng SAF 44 na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan.

Bago ang wreath laying activity, isang misa ang inialay para sa kaluluwa ng mga namayapang bayani.  

Add comment


Security code
Refresh

 

  

Vinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo SliderVinaora Nivo Slider