MENU
  • 1 of 4 Smishing
  • 2 of 4 FB Clonning
  • 3 of 4 rdludan
  • 4 of 4 rdludanturnover

DO's while on Quarantine

DONT's while on Quarantine

Motorista tiklo sa pag-iingat ng mga kontrabando sa Lal-lo PNP checkpoint

     

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY - Patung-patong ang kasong kinakaharap ngayon ng isang motorista matapos tangkaing tumakas nang ito ay parahin sa isang checkpoint na minamanduhan ng Lal-lo PNP at 2nd Cagayan Provicial Mobile Force Company nitong nakaraang Lunes, Nobyembre 29, 2021.
 
Kinilala ang suspek na si Jone Mark Conseja 35-anyos, magsasaka at residente ng Barangay Malanao, Lal-lo, Cagayan. Ayon sa ulat ng pulisya, pinara umano ang suspek sa nabanggit na checkpoint dahil wala itong suot na helmet na Isang paglabag sa Republic Act 10054. Subalit sa halip na ito’y huminto, tinangka umano nitong paharurutin ang sinasakyang motorsiklo kaya naman agad itong pinigilan ng mga otoridad.
 
Dahil sa kahina-hinalang kilos ni Conseja, bineripika ng mga kapulisan ang papeles ng rehistrasyon ng motosiklo nito at hiningan ng Valid ID subalit wala itong naipakita. Nang magsagawa ng body search ang pulisya, tumambad sa mga ito ang lang kontrabando na nasa pag-iingat nito kabilang ang tig-dadalawang bala ng M-16 rifle at Cal. 9mm; isang bala ng Cal .38 revolver; isang transparent plastic bag na naglalaman ng tuyong dahon ng hinihinalang "Marijuana".
 
Si Conseja na kasalukuyang nasa kustodiya ng Lal-lo Police Station ay nahaharap sa paglabag ng Article 151 ng Revised Penal Code (RPC) o Resistance and Disobedience to Person in Authority or the Agent of Such Person; Republic Act 10054 o Act Mandating All Motorcycle Riders to wear Standard Protective Helmet while Driving, RA 10591 Comprehensive Law of Firearms and Ammunition) at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.