MENU
  • 1 of 4 Smishing
  • 2 of 4 FB Clonning
  • 3 of 4 rdludan
  • 4 of 4 rdludanturnover

DO's while on Quarantine

DONT's while on Quarantine

Construction Worker na Top 3 High Value Target sa Rehiyon Dos, arestado sa Buguey, Cagayan

      

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY - Naaresto kaninang madaling araw ang isang kwarenta anyos na notorious drug personality sa ikinasang implementasyon ng "Search Warrant" sa Barangay Pattao, Buguey, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Romeo Cabeza at residente ng nasabing lugar. Si Cabeza ay tinagurian Top 3 High Value Target sa Rehiyon Dos base sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency - Region 2 (PDEA-Region 2). Nakumpiska mula sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang "Shabu" na may timbang na 7 grams na ang halaga ay umabot ng Php47,600.00. Nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang isang unit ng cal. 45 stainless-chromed pistol.
 
Si Cabeza ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Buguey Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act.