MENU
  • 1 of 4 Smishing
  • 2 of 4 FB Clonning
  • 3 of 4 rdludan
  • 4 of 4 rdludanturnover

DO's while on Quarantine

DONT's while on Quarantine

Dalawang Philippine Serpent Eagles, nailigtas ng Isabela PNP

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY - Dalawang Philippine Serpent Eagles ang naipasakamay nang ligtas ng mga kapulisan ng Isabela Police Provincial Office (PPO) sa CENRO sa Ilagan Santuary, Sta Victoria, Syudad ng Ilagan, Isabela kamakalawa.

Pinangunahan ni Police Colonel James Cipriano, Provincial Director ng Isabela PPO kasama sina Police Major Joel Dulin, hepe ng Provincial Community Affairs Unit, Police Lieutenant Colonel Eugenio Malillin, hepe ng Provincial Intelligence Unit, Ms. Junee Amor Mejares ng CENRO Naguilian at Mr. Pablo Cabaccan ng Kaligkasan Advocacy Group ang pagpapasakamay sa Ilagan City CENRO ng mga nasabing agila matapos manatili ang mga ito ng ilang araw sa Isabela PPO.

Ang pagkaligtas ng naturang critically-endangered Philippine Eagles ay nag-ugat nang ipagbigay alam ng isang concerned citizen sa mga kapulisan ng Isabela PPO ang kalagayan ng dalawang Philippine Serpent Eagles na nahuli sa bulubunduking bahagi ng Benito Soliven, Isabela na agad namang pinuntahan at kinuha ng mga kapulisan.

Ang Philippine Eagle na isang malaking specie ng agila at tinaguriang pambansang ibon ay kabilang na sa listahan ng mga hayop na "endangered" kung kaya't ipinagbabawal ang paghuli sa mga ito.

Pinuri ni PRO2 Regional Director Police Brigadier General Crizaldo Nieves ang Isabela PNP sa pagbibigay proteksyon sa dalawang Philippine Eagles at pagpapakita ng magandang halimbawa ng pagiging makakalikasan sa mga mamamayan.

Ang dalawang Agila na pinangalanang "Crizaldo" and "James" ay nasa pangangalaga na ng CENRO sa sanctuary ng Sta. Victoria, Syudad ng Ilagan, Isabela.