MENU
  • 1 of 4 Smishing
  • 2 of 4 FB Clonning
  • 3 of 4 rdludan
  • 4 of 4 rdludanturnover

DO's while on Quarantine

DONT's while on Quarantine

Dating sundalo at opisyal ng barangay, huli sa pangingikil sa Isabela 

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY – Arestado ang dalawang katao kabilang na ang isang dating miyembro ng Philippine Army at isang barangay kagawad sa isinagawang entrapment operation kaugnay sa kasong Robbery Extortion kahapon ng umaga sa isang fast food chain sa Barangay Rizal, Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Daniel Garcia, 49 anyos, may asawa at Barangay Kagawad ng Villanueva, San Manuel at Jefferson Balurin, 32 anyos, dating sundalo at residente ng San Francisco, San Manuel sa probinsya ng Isabela.

Ayon sa ulat ng Roxas PNP, dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang nagpakilalang si Deslyn Llanes, 21 anyos, anak ni Jometes Llanes na may-ari umano ng lupang pinag-aagawan at residente ng San Antonio, Roxas, Isabela kung saan inireklamo nito ang mga suspek na humihingi umano ng tatlumpung libong piso upang itigil ng mga ito ang pagbabakod sa naturang lupa. Bukod rito, ipinangako rin ng mga suspek na ibibigay sa biktima ang titulong hawak nila kapalit ng nabanggit na halaga. Ang pagpapatayo ng bakod ay iniutos umano ng nagngangalang Romeo Llanes, isa sa mga nakikipag-agawan sa lupa at kapatid rin ng mga nagrereklamo.

Kaugnay nito ay ikinasa ang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Roxas Police Station, Isabela Police Provincial Office at Provincial Intelligence Unit, Isabela PPO na nagbunsod sa pagkakasakote ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga ito ang isang pirasong Php1,000.00 bill; dalawampu’t siyam na piraso ng Php1,000.00 na boodle money; at dalawang cellphones.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Roxas Police Station at nakatakdang sumailalim sa Inquest Proceeding.