MENU
  • 1 of 4 Smishing
  • 2 of 4 FB Clonning
  • 3 of 4 rdludan
  • 4 of 4 rdludanturnover

DO's while on Quarantine

DONT's while on Quarantine

2 “High Value Individual,” Arestado sa Cagayan at Nueva Vizcaya

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY - Dalawang high value drug personalities ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan at Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ang mga naaresto ay sina Nick Tumaliuan, residente ng Atulayan Sur, Tuguegarao City at Tony Bañaga Jr., residente ng Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Si Tumaliuan na kabilang sa High Value Individual Regional Target  ng PNP  at PDEA ay naaresto noong Mayo 19, 2021 sa  Centro  10,  Tuguegarao City sa isinagawang drug buy bust  operation ng Provincial  Drug  Enforcement Unit/Provincial  Intelligence Unit,  Cagayan Police  Provincial Office, Regional  Drug Enforcement Unit 2, Tuguegarao City  Police Station at PDEA Region 2 kung  saan aktong  nabentahan nito ng  isang sachet ng Shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa halagang  isang libong piso.

Nakumpiska kay Tumaliuan ang labingdalawa pang sachet ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng labing limang libong  piso.

Si Bañaga naman na kabilang din sa Municipal High Value Target ng PNP at PDEA ay naaresto noong Mayo 18, 2021 sa  Barangay  Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Aritao Police Station, Regional Drug  Enforcement Unit 2, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Nueva Vizcaya PPO at PDEA Region 2 sa  ikinasa nilang drug buy bust operation. 

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga nasabing stasyon at sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.