CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN, August 1, 2022 – Nakibahagi ang mga kapulisan ng Isabela Police Provincial Office na pinamumunuan ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director at maging ang mga miyembro ng PSFTP Class 2015-02 “NASIGLAT” sa Brigada Eskwela Kick-off ceremony na may temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik Aral,” sa Cabeceria 27 Elementary School, Barangay Cabisera (Abuan), City of Ilagan, Isabela ngayon araw, August 1, 2022.
Kasama ang mga barangay officials, mga guro na pinangunahan ni Ms Rachel Cabauatan, Teacher III ang paglilinis at pagtatanggal ng mga damo at pagsusuri sa gilid ng nasabing paaralan upang masiguro na ligtas ang mga bata sa nalalapit na pasukan.
Ito ay may temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik Aral,” at layuning ng aktibidad na ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa mga iba’t ibang paaralan sa probinsya ng Isabela.
Ang programang ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng class “NASIGLAT” o “Nagkaisang Angkan Sa Iisang Gabay Lakas at Talino”sa kanilang ika-7 Anibersaryo ngayon araw.
Kaugnay nito ay nagsagawa ng PNP Community Outreach program sa nasabing barangay ang mga kapulisan ng Isabela PPO at mga iba pang kabilang sa Nasiglat Class na pinangunahan ni PCpl Jestoni Penullar, Class President kung saan humigit kumulang na 250 benepisyaryo ang nabiyayaan sa nasabing programa kabilang na ang mga bata na nabiyayaan ng feeding program maliban sa grocery items na ibinahagi, mga candies at chocolates.
Ang programa ay bilang bahagi ng PNP Community Outreach program ng naglalayong matulungan ang mga batang malnutrisyon at maging ang mga residente sa malalayong barangay na apektado ng pandemya.
Lubos naman ang pasasalamat ni Barangay Captain Aurea Quitola at maging ang mga Barangay Officials ng nasabing barangay sa mga kapulisan ng Isabela PPO particular ang Nasiglat Class sa pagbibigay saya at tuwa handog sa mga bata at maging ang kanilang magulang sa natanggap na biyaya mula sa mga kapulisan.
Samantala, sa kaparehong araw ay nagsagawa din ng tree planting activity ang mga nasabing kapulisan kung saan isang daan narra trees ang itinanim sa Barangay Sta Victoria, City of Ilagan, Isabela.
###
Press Release No. 08-01-02
Authority : PBGEN STEVE B LUDAN
Regional Director, Police Regional Office 2
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
Facebook Page: PRO2 Regional Public Information Office
#TeamPNP
#WeServeAndProtect
#PNPKakampiMo
#SerbisyongTAMA
#PNPTapatMayTapangatMalasakit