CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY, July 28, 2022 – Magkasabay na isinagawa ngayon araw ang tree planting activity ng Police Regional Office 2 sa pamumuno ni PBGEN STEVE B LUDAN, Regional Director sa training camp, Barangay Mangga, Quezon, Isabela at Centro Norte, Alcala, Cagayan.
Ang aktibidad ay may kaugnayan sa 27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Kumunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” na pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division na pinamumunuan ni PCOL MARIO MALANA, Chief, RCADD.
Bago ang tree planting activity ay may maikling programa sa harap ng BISOC trainees na pinangunahan ni PCOL DANTE A LUBOS, Chief, Regional Learning Doctrine Development Division, PLTCOL NELSON Z VALLEJO, Officer-in-Charge, Regional Special Training Unit 2 at PMAJ ROEL M ARZADON, Chief Plans, RCADD. Samantala sa bayan ng Alcala, Cagayan ay pinangunahan naman ni PMAJ BABY ROSE P CAJULAO, ang Chief ng Community Affairs Section, RCADD.
Humigit kumulang na isang libong fruit-bearing and non-fruit bearing trees ang itinanim sa nasabing lugar tulad ng narra, G-melina, lumboy at manga.
Sa mensahe na ibinahagi ni PCOL LUBOS ay ang itatanim na mga trees at kaakibat nito ang responsibilidad na kailangan imonitor hanggang sa ito ay mabuhay for bright future, Pulis Makakalikasan kundi ito ay bilang mitigation of Climate Change at Benefits of Reforestation.
Kasama sa nakilahok sa nasabing aktibidad ay ang personnel ng Regional Community Affairs and Development Division, Regional Special Training Unit 2, Regional Learning Doctrine Development Division, Regional Mobile Force Battalion 2, NALIBTAK Class at representatives’ ng iba’t ibang divisions ng Police Regional Office 2.
###
Press Release No. 07-28-28
Authority : PBGEN STEVE B LUDAN
Regional Director, Police Regional Office 2
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
Facebook Page: PRO2 Regional Public Information Office
#TeamPNP
#WeServeAndProtect
#PNPKakampiMo
#SerbisyongTAMA
#PNPTapatMayTapangatMalasakit