Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, July 28, 2022 – Inabot ng mahigit dalawang oras na paglalakbay gamit ang bangka bago marating ng PNP at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Penablaca ang isang Agta community sa Sitio Baguio Point, Minanga, Penablanca, Cagayan ngayong araw.
Dala ang iba’t-ibang serbisyo at benepisyo tulad ng pagsasagawa ng Anti-COVID Vaccination; rehistrasyon ng PSA National ID; DSWD Payout para sa mga 4Ps beneficiaries; feeding program; pamimigay ng mga tsinelas; at pagsasagawa ng lektyur kaugnay sa mga batas na nagsusulong sa mga karapatang pantao.
Nasa isandaan at dalawampung katao kabilang na ang mga bata at matatanda ang nabigyan ng tulong ng outreach program na ito na kaugnay sa selebrasyon ng ika-dalawampu’t pitong taong selebrasyon ng Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad, Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”
Sa tulong ng Regional Maritime Unit 2, ligtas na nakarating ang pwersa ng Penablanca Police Station at LGU sa nabanggit na sitio.
Inabutan rin ng masungit na panahon ang PNP at LGU nang matapos ang programa ngunit hindi ito alintana dahil bitbit nila sa kanilang pag-uwi ang ngiti sa mga labi ng ating mga kababayang Agta sa Sitio Baguio Point, Minanga, Penablanca.
###
Press Release No. 07-28-31
Authority : PBGEN STEVE B LUDAN
Regional Director, Police Regional Office 2
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
Facebook Page: PRO2 Regional Public Information Office
#TeamPNP
#WeServeAndProtect
#PNPKakampiMo
#SerbisyongTAMA
#PNPTapatMayTapangatMalasakit