Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan, July 28, 2022 – Bakas ang saya sa mga mukha ng tatlumpung kabataang benepisyaryo ng “Oplan BES o Oplan Bisita Eskwela I am Strong” ng PRO2 sa Outreach Program na hatid ng mga Valley Cops at Officers’ Ladies Club na ginanap sa kampo kahapon.
Nanguna sa nasabing aktibidad si Ma’am Lizette Ludan, OLC Adviser at maybahay ni PRO2 Regional Director kasama ang iba pang kinatawan ng nabanggit na grupo na kinabibilangan nina Ma’am Jonah Marie Bayting, OLC Adviser at maybahay ni PRO2 Deputy Regional Director for Administration Police Brigadier General Romaldo G Bayting.
Kabilang sa mga naging aktibidad ay ang feeding program. Bilang paghahanda sa napipintong face to face classes, namigay rin ang PRO2 ng mga school supplies maging ng mga hygiene kits. Samu’t-saring mga palaro rin ang aktibong nilahukan ng mga bata. Naging mas makulay pa ang nasabing programa nang lumabas ang dalawang PRO2 mascot na sina VC at VISA na nagpamalas ng kanilang talento sa pagsayaw.
Sa mensahe ni Ginang Ludan, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak tungo sa pag-abot ng kanilang mga adhikain sa buhay. Idinagdag rin nito na ang layunin ng programa ay upang masigurong STRONG ang mga bata kung saan ang acronym na ito ay nangangahulugang Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice and God-fearing.
Ang nabanggit na outreach program ay kaugnay sa selebrasyon ng 27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad, Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”
Nakiisa rin sa nasabing programa ang iba pang miyembro ng OLC na sina Mrs Leah Sabaldica, Mrs Venus Daculug, Police Major Marichelle B Dulin, Chief Nurse at maging ng mga kapulisan ng Regional Community Affairs and Development Division sa pangunguna ni Police Colonel Mario P Malana.
###
Press Release No. 07-28-29
Authority : PBGEN STEVE B LUDAN
Regional Director, Police Regional Office 2
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
Facebook Page: PRO2 Regional Public Information Office
#TeamPNP
#WeServeAndProtect
#PNPKakampiMo
#SerbisyongTAMA
#PNPTapatMayTapangatMalasakit