Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, July 28, 2022 – Arestado ang dalawang indibidwal samantalang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isa pang suspek dahil sa paglabag ng PD 705 at Batas Pambansa No. 6 sa kampanya kontra illegal logging ng PRO2 sa Zone 2, Hacienda Intal, Baggao, Cagayan kaninang madalingaraw (Hulyo 28).
Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ang mga suspek na sina Jovenal Domingo; 48-anyos, drayber at Jaypee Danga, 30-anyos, magsasaka, kapwa residente ng nabanggit na bayan. Samantala, patuloy pa ring tinutugis ng PNP si Kenjie Cusipag Viray, residente ng Asinga Via, Baggao, Cagayan na isa pang sangkot sa insidente.
Nahuli sa akto ang mga suspek na sakay sa isang kulong-kulong ang labing-tatlong piraso ng 2x6x20 o 260 board feet ng nilagaring kahoy na tinatayang Php9,100.00 ang halaga. Ayon pa sa ulat ng Baggao PNP, walang kaukulang dokumento/permit na magbiyahe ng kahoy ang mga suspek. Kabilang rin sa mga narekober mula sa mga ito ay dalawang matatalim na itak.
Ang mga kontrabando ay naipasakamay na sa City Environment and Natural Resources Office o CENRO para sa tamang disposisyon.
Nasa likod ng matagumpay na operasyong ito ay ang pinagsanib na pwersa ng Baggao Police Station; 2nd Mobile Force Platoon ng 1st Cagayan PMFC; at 204th Maneuver Company ng RMFB2.
###
Press Release No. 07-28-30
Authority : PBGEN STEVE B LUDAN
Regional Director, Police Regional Office 2
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
Facebook Page: PRO2 Regional Public Information Office
#TeamPNP
#WeServeAndProtect
#PNPKakampiMo
#SerbisyongTAMA
#PNPTapatMayTapangatMalasakit