Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, July 28, 2022 – Isang dating miyembro ng makakaliwang grupong sumuko sa kapulisan ang napiling benepisyaryo ng 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 para sa kanilang kauna-unahang “Project Pabahay” sa Barangay Burgos, San Guillermo, Isabela nitong ika-dalawampu’t-anim ng Hulyo taong kasalukuyan.
Taong 2019 nang sumuko sa pamahalaan si alyas “Connie”. Dahil sa kagustuhan ng PNP na tuluyan siyang akayin sa kanyang pagbabagong-buhay at alinsunod na rin sa layunin ng NTF-ELCAC, siya ang napiling handugan ng isang bagong tahanan.
Sa pagtutulungan ng mga kapulisan ng 205th Maneuver Company; lokal na pamahalaan ng San Guillermo, Company Advisory Council at iba pang stakeholder, January 2022 nang simulang ipatayo ang nabanggit na proyekto, isang simple ngunit disenteng bahay mula sa mga Valley Cops.
Samantala, nagpaabot rin ng tatlong sakong bigas si Police Brigadier General Steve B Ludan, PRO2 Regional Director bilang karagdagang tulong sa pamilya ni Aling Connie. Nagbigay rin ang 205th MC ng electric fan at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ang proyektong PRO2 Pabahay Project ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra insurhensiya at terorismo. Layunin rin ng proyektong itong tulungan ang ating mga kababayang minsang nalihis ng landas dahil sa mapanlinlang na rekrutment ng CPP-NPA-NDA at ngayo’y nagbabalik-loob sa pamahalaan.
###
Press Release No. 07-28-31
Authority : PBGEN STEVE B LUDAN
Regional Director, Police Regional Office 2
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
Facebook Page: PRO2 Regional Public Information Office
#TeamPNP
#WeServeAndProtect
#PNPKakampiMo
#SerbisyongTAMA
#PNPTapatMayTapangatMalasakit