Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City- July 21, 2022. Naghayag ng suporta ang pamunuan ng PRO2 sa implementasyon ng “Ligtas Pinas Program” ng Pangulong Bongbong Marcos na may layuning mabakunahan ang nobenta porsyentong Senior Citizen at singkwenta porsyentong booster shots para sa Target Population para matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.
Sinabi ni PRO2 Regional Director, PBGEN STEVE B LUDAN na tutulong ang mga tauhan ng Vallecops sa implementasyon ng programa na isasabay sa kauna-unahang State of the Nation Address ng pangulong Marcos sa June 26, 2020.
Tiniyak naman ni PCOL JONARD DE GUZMAN, Hepe ng Regional Medical and Dental Unit 2 na nakahanda ang kanilang buong pwersa upang tumulong sa mga health personnel ng DOH Region 2 para sa itinakdang vaccination program.
Matatandaan na nagsilbing augmentation team ang RMDU2 sa mga tauhan ng DOH mula ng umpisahan ang pagbabakuna sa mga mamamayan ng Cagayan Valley kontra COVID-19.
Sa kasalukuyan, nasa 9,554 na PNP personnel na ang fully vaccinated mula sa total strength na 9,561 ng kapulisan sa Lambak Cagayan. Nananatiling pito ang bilang ng tumangging magpabakuna dahil sa kanilang mga personal na kadahilanan.
Sa datos ng RMDU2, umaabot sa 3,418 PNP personnel na ang nabakunahan ng unang booster habang 186 naman para sa ikalawang booster.
###
Press Release No. 07-21-17
Authority : PBGEN STEVE B LUDAN
Regional Director, Police Regional Office 2
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
Facebook Page: PRO2 Regional Public Information Office
#TeamPNP
#WeServeAndProtect
#PNPKakampiMo
#SerbisyongTAMA
#PNPTapatMayTapangatMalasakit