Lima pang katao ang nagwidraw ng kanilang suporta sa grupo ng NPA sa lalawigan ng Isabela ngayong araw, ika-24 ng Mayo taong kasalukuyan.
Sa ulat ng Isabela Police Provincial Office, unang nagwidraw ng kanyang suporta sa NPA ang 62 anyos na magsasaka na itinago sa pangalang “Jony” residente ng Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela pasado alas dose ng tanghali kanina.
Sa parehong araw tuluyan na ring winakasan ng apat na supporter ng NPA sa Brgy. Caligayan, Tumauini, Isabela ang kanilang ugnayan sa makakaliwang grupo matapos maghayag silang ng widrawal of support sa mga rebeldeng grupo.
Sina “Susan”, 56 anyos, Cecil 37 anyos, “Richard”, 30 anyos, “Rose”, 27 anyos, mga magsasaka at pawang mga taga Brgy. Caligayan, Tumauini, Isabela ay mga aktibong kasapi ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI) and ‘Asosasyon dagiti Mannalon a Babbai ti Isabela’ (AMBI) sa pamumuno ni Grace Resurrection, mga lefl leaning group na nakabase sa lalawigan ng Isabela.
Napag alaman na dating may ugnayan din ang apat kay Cita Managuelod alyas Karen ng DAGAMI, leader ,Peasant Consultant ng Regional White Area Committee 2 (RWAC2), Kilusan sa Lungsod at Sentrong bayan (KLSB), Secretary of DAGAMI, LLO.
Matagumpay na naisakatuparan ang pagbabalik loob sa gobyerno ng mga nabanggit na NPA supporter sa pamamagitan ng project SAGIP ng Isabela PPO sa pakikipagtulungan ng 1st Provincial Mobile Force Company, PIU, IPPO led by RGSC, RIU2 at Tumauini PS sa superbisyon ni PCOL JULIO R GO Acting PD, IPPO.