Mga dating rebeldeng NPA sumailalim sa Marketing Training and Workshop sa San Mariano, Isabela

          CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY – Bilang bahagi ng pagtulong sa mga dating miyembro ng NPA na nagbalik loob sa pamahalaan,

binigyan ng training ang mga ito upang magkaroon ng kaalaman sa Marketing na magagamit sa kanilang paghahanap buhay na isinagawa kahapon. 

Ang programa na inisyatibo ni PLTCOL JEFFERY RAPOSAS, Force Commander ng IPMFC ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry o DTI.

         Ang mga nakinabang sa nasabing training ay pinili mula sa sumukong rebelde ng 1st IPMFC SUBLI- Caunayan Association.

Ang naturang aktibidad ay bilang suporta sa ipinatutupad na Executive Order Number 70 (NTF-ELCAC) para maihatid ang serbisyo ng gobyerno sa mga maituturing na conflict affected areas sa mga fur-flang barangays ng Cagayan Valley.